(6)MgaMadalasItanongP5Para sa iba pang mga madalas itanong, bisitahin ang "Mga Madalas Itanong" sa Tokyo Metropolitan Government Bureau of Social Welfare and Public Health website "Tokyo Health Station".Posible bang mag-iba ng regulasyon depende sa oras?Posible bang manigarilyo sa terrace seating?Sino ang dapat gumawa ng pagsukat para sa mga teknikal na pamantayan?Ano ang mga pasilidad na sakop ng "mga pasilidad para sa kapakanan ng mga bata" sa ?Maaari bang gumamit ng naiibang disenyo para sa palatandaan?*Ang destinasyon ay isang pahina na nasa wikang Hapon, kaya't pakigamitin ang translation function ng inyong browser upang ito'y mabasa.Mula sa pananaw ng pag-iwas sa secondhand smoke, ang regulasyon ay inilalapat sa buong pasilidad, kaya hindi pinapayagan ang pagbabago ng klasipikasyon ng pasilidad batay sa oras.Kahit na ang terrace seating ay hindi napapalibutan ng kalahati o higit pang dingding, kung ito ay walang malinaw na paghihiwalay mula sa loob ng establisyemento, tulad ng pader o glass door, ang lugar na sakop ng bubong ay ituturing na “loob ng gusali.” Sa ganitong kaso, hindi maaaring manigarilyo.Walang partikular na regulasyon tungkol sa tagapagsukat, ngunit responsibilidad ng may awtoridad ng pamamahala na tiyaking natutugunan at napapanatili ang mga teknikal na pamantayan.Ang mga pasilidad na sakop ay ang mga sumusunod ayon sa Artikulo 7-1 ng Child Welfare Act: mga pasilidad para sa kapakanan ng mga bata (maliban sa nursery center at children’s center in coordination between kindergarten and nursery center); outpatient support services para sa mga bata na may kapansanan (maliban sa mga serbisyong nag-aalok lamang ng home-visit type child developmental support o visit support para sa mga nursery center, o pareho.); mga self-reliant living assistance service; mga after-school child sound upbringing service; short-term child care support; mga local childrearing support center service; mga temporary custody service; mga day care service para sa mga batang may sakit; mga programa para sa pagsasaayos ng relasyon ng magulang at anak; mga serbisyo para sa suporta sa independiyenteng pamumuhay ng mga batang nasa pangangalaga ng lipunan; mga serbisyo para sa tulong sa pamumuhay ng mga buntis at bagong panganak; mga serbisyo para sa suporta sa pag-unlad ng mga bata; mga pasilidad na ginagamit para sa pagbuo ng ugnayan ng magulang at anak; mga sentro para sa pamilya at mga bata; mga pasilidad kung saan matatagpuan ang local childrearing consultation agency. Ang mga pasilidad na ito ay sakop ng "mga pasilidad para sa kapakanan ng mga bata." Maaaring gumamit ng sariling disenyo basta't malinaw na nakasaad ang kinakailangang impormasyon ("Maaaring manigarilyo sa lugar na ito." at "Bawal pumasok ang mga taong wala pang 20 taong gulang.").T1T2T3T4T514Mga madalas itanong
元のページ ../index.html#15